space

Dahil Late si Doc at Nakakabagot Maghintay.

 

Oh hello there. Nandito ako ngayon sa loob ng operating room – naghihintay sa seruhano. Oh yes. It’s the late Dr. Z once again.  (At hindi yan ang tunay na initial niya!) Sinusubukan ko lang kung ano ang mas mabilis… ang pagtytype ko o ang pagdating niya. Kasi alas-nuwebe po ang kaso namin ngayon at kumusta namang 9:31 na sa relos ko at wala pa siya. Subukan natin kung makakagawa ako ng maayos na blog entry para sa “pseudo-pagbabalik” ko – kahit hindi naman ako umalis.

Nabalitaan ko kasi mula sa ubasan na marami raw na bloggers ang magbabalik. Sila yung mga nagtaksil sa blogspot/wordpress at lumipat sa tumblr. Ang balita ko nga, kasama raw ako doon. Seriously? Eh hindi naman ako umalis at lalong wala naman akong tumblr!  Sadyang marami lang talaga akong ginagawa magmula ng pumasok ako sa clerkship. Hindi rin ibig sabihin ng hindi ko paggawa ng bagong entry eh wala na akong makwento. Sa katunayan, sa sobrang dami ng gusto kong sabihin ay nakakalimutan ko na. Tulad na lang ng dapat ikkwento ko sana ngayon dito. Ano na nga ulit yun? Hehehe.

Excuses.

Actually, tinamad lang ako magblog sa kadahilanang hinigop na ng microblogging site na plurk ang lahat ng ideyang gusto kong sabihin. Pero panaka-naka nagpopost pa rin naman ako dito kahit isa o dalawa sa loob ng isang buwan. Hindi na rin masama gayong apat hanggang lima lang naman talaga ang entries ko sa loob ng isang buwan noong bago pa mamatay ang traditional blogging. Feeling ko kasi, wala naman ng nagbabasa at ang lahat na napapadpad sa blog na ito ay interesado lang malaman kung totoo ba si Anna Marie.

Speaking of which, hindi ako makapaniwala sa nadiskubre ko kamakailan. Uhm. Actually apat na buwan na pala ang nakalilipas. Yung tao palang nagpapakalat sa text na nangangailan “daw” ako ng tulong pinansyal para sa pag-aaral ko ay yung tao/sindikato palang nagpasimuno sa “Angel Crying Out for Help”. Ewan ko ba. Sa dinami-dami naman ng mga nag-expose sa gawain nila… kung bakit ako pa ang napili? Siguro dahil sa likas kong ka-cute-an (walang aangal! blog ko to!), naisip nilang mas bebenta ata kung pangalan at mga litrato ko ang gagamitin nila para sa kanilang ilegal na gawain. The nerve! Pero hindi ko na to papatulan. Bukod sa naireport ko na sa Facebook at sa Friendster (oo, may gumagamit pa ng Friendster!) ang mga account na ginawa nila, hindi ko na sila hahanapin pa. Naniniwala ako sa karma at alam kong isang araw, masasagasaan na lang siya/sila ng MRT. Pero sana lang talaga walang naniwala sa kanila at nagpadala ng pera para sa pangmatrkula ko. Pero seriously, meron bang maniniwalang wala akong perang pangtustos sa pag-aaral ko kung tumataginting na isandaang libong piso bawat semestre ang tuition fee ko mula una hanggang ikatlong baitang sa medisina at mahigit 190,000 pesoses naman ang bayarin noong clerkship? Sentido kumon naman. Bakit naman ako magsusumiksik sa isang paaralang sky high ang tuition kung meron namang mas murang medical school hindi ba? Pero kung meron man akong ikinatuwa eh yung, naflatter ako sa ginawa nilang pagpapabata ng edad ko. Bente-dos daw ako. At take note: single. Bee, maghunos-dili ka. =P

So may labing-anim na minuto na ang nakakaraan mula ng simulan ko ang entry na ito. Wala pa rin si “the late Dr. Z” mukhang ako ang nanalo sa patimpalak na ito. Ang kaso, hindi nga lang niya alam na nakikipagtagisan ako. Hehe.

 

Reader's Comments

  1. thewipe | May 7th, 2010 at 10:23 am

    Haha nakakatuwa , simple lang sana may ganyan din akong blog , maikling kwento sa maikling panahon at mga paunti unting ideya na nababagay sa iba.

    thanks

    Reply to this comment
  2. callcenterguy | May 7th, 2010 at 11:01 am

    Hahaha! talaga? ginamit name mo? Ganun ka kasikat!!!!
    At opo di po ako aangal.
    .-= callcenterguy´s last blog ..Just Around The Corner =-.

    Reply to this comment
  3. Jakey Junkie | May 8th, 2010 at 5:16 am

    Kesa naman ako, on-and-off sa blogging. Kung dati marami-rami akong blogger friends at maraming regular-kuno readers ng blog ko, ngayon e mangilan-ngilan na lang talaga sila.

    Now you see me, now you don’t.

    Reply to this comment
  4. FerBert | May 12th, 2010 at 4:26 am

    hay nako yang mga nagsisibalik sa blogging na yan ang kakapal ng mukha. lol

    at hindi ka mukhang 22 doc, papasa ka pa ngang 17 lang eh 😀
    .-= FerBert´s last blog ..4 1/2 =-.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space