space

Indecent Exposure

 

Gusto kong dukutin yung mata nila isa-isa at ipakain sa pusa. Ano bang meron sa legs ng babae at tuwing nakashorts ito o nakapalda, otomatikong doon kaagad ang titig nila? Laman lang naman ito – laman na binabalutan ng balat. Meron naman sila at si Aling Basyang diyan sa kanto kaya hindi ko alam kung ano ang kaibahan ng legs ng babae at sa legs nila. Fine. Makinis yung legs ko – hindi isang daang porsiyento dahil nasugatan ako kamakailan – pero makinis kahit hindi pa ako nakakapagwax sa loob ng humigit-kumulang tatlong linggo. Pero katulad ng sinabi ko, hindi ba lahat naman may legs? Hindi naman  nila mahahawakan yun at lalong hindi naman yun magbabago kahit gaano katagal pa nila ititig ang kanilang mga mata.

Nakakainis kasi. Lalo na yung mga lalakeng katabi ko sa dyip pauwi kanina. Parang tumigil sandali ang kanilang mundo ng pumasok ako. Eh ano ngayon kung ako lang ang babaeng naka-skirt kanina? Bakit? Noon lang ba sila nakakita ng naka-skirt na pumasok sa dyip? Gusto ko sanang sabihin sa kanila – lalo na dun sa mamang nasa tapat ko kanina – na kahit anong gawin nila  eh wala silang makikita. Matalino ako ‘day. Skort po itong suot ko. Wala na bang karapatang sumakay ng dyip ang mga babaeng nakamaikling palda ngayon? Sa pagkakatanda ko, mga Wang-Wang palang sa daan ang pinagbabawal ni P.Noy at hindi kasama ang paglalakad ng suot ang paldang maiksi.

Naaalala ko tuloy yung reaksyon ng nanay ko nung minsang magpunta kami sa burol ng isang kapitbahay. Matapos kong pag-isipan ng mga limang segundo ang isusuot ko, pinagpalit ako ng nanay ko ng mas “disenteng” damit dahil lumabas ako sa kwartong naka-shorts. Ang nanay ko talaga. Gusto pa yata akong pagsuotin ng gown papunta sa kabilang bahay. Ang punto de vista niya eh marami daw kasing taong nandoon sa lamay. Kumusta naman yung limang kasing edad ko na nadatnan naming mga bisita? Kahit siguro magpekpek shorts ako eh hindi naman ako papansinin ng mga yun dahil kaliwa’t-kanan ang nagsusuot ng ganun sa kahit saang lugar. At kung kadisentehan lang naman ang pag-uusapan, sino ba naman kasi ang nagsabing hindi disente ang pagsusuot ng shorts? Hindi naman ako magpapagulong-gulong sa whipped cream suot lang ang kakarampot na tela para hindi ako matawag na disente. At isa pa, t-shirt naman po ang suot ko sa itaas at hindi bra.

Decency. Isa lang yan sa isangdaa’t-isang kalokohan na natutunan natin mula sa mga Kastila. Subok bang pagsuotin ng baro’t saya na hanggang talampakan ang mga katutubong nakabahag na nadatnan nila dito sa Pilipinas? Hindi ko alam kung anong klaseng sintido-kumon meron ang mga kalahi ni Magellan at wala man lang nakaisip na mainit po sa Pilipinas at hindi bagay ang mga kasuotang nakagisnan nila sa Europa. Alam nila na hindi sila “in” dito kaya nagsimula silang mangaral ng mga bagay na “tama” ayon sa pananaw nila. Ang mga kumag. Wala man lang nagtanong kung ano ang mga bagay na “tama” sa pananaw ng mga katutubong ginugulo nila.

Naisip ko lang. Ang weird siguro nun no? Ano kaya yung kung mga naka-baro’t saya ang hinusgahan ng mga Pilipino noon ng indecency?

—————————

Katutubo 1: Kadiri. Ano yang suot ng hilaw na yan? Wala na halos itinirang balat para makahinga.

Katutubo 2: Oo nga pare. Pustahan tayo. Amoy durian yan mamaya kapag pinawisan.

—————————

Ang masaklap pa dito, hindi naman sila sanay maligo dahil hindi naman sila halos pinagpapawisan doon sa Europa. Naiimagine niyo na ba yung amoy ng Pilipinas noon bago pa maimbento ang Victoria’s Secret at Bath & Body Works? Kung ako yung isa sa mga katutubo noon, baka nagsuicide na lang ako.

Pero teka, mabalik tayo sa kwentong skorts ko.

Sa awa ng Diyos, nakauwi naman ako ng matiwasay kanina kahit na lahat ng mata’y napapatingin sa mga legs ko sa loob ng halos dalawampung-minutong nakabalandra ako sa publiko. Ang kaba ko  lang eh yung mamistaken identity ako at mapick-up sa kahabaan ng Kamuning katulad na lang ng isang blogger/tumblr/internet personality-cum-celebrity na kakilala kong minsa’y muntikang mapick-up sa Cubao. Sa alala ko, naka-shorts din siya nun – yung gusgusing pambahay pa na animo’y bibili lang ng suka sa kanto. Malamang malakas lang ang tawag ng laman dun sa taong yun dahil kahit mabalahibo ang legs nitong kakilala ko eh papatulan niya. Tarush di  ba?

Da who itong blogger/tumblr/internet personality-cum-celebrity na ito ?

Isang malaking sikreto. =D

Tags: ,

 

Reader's Comments

  1. mia | July 28th, 2010 at 12:06 am

    may da who ka pa doc! ahahaha :)

    Reply to this comment
  2. efbee | July 28th, 2010 at 12:19 am

    nagdyi-dyip ka doc? HUHMEZING!

    lol
    .-= efbee´s last blog ..Kaliwa’t Kanan =-.

    Reply to this comment
  3. Jon Cabron | July 28th, 2010 at 8:29 am

    hihintayin ko ang minsang makakasabay kita sa jeep at ngayon pa lang kinaklaro ko na, hindi malaking bagay sa akin kung kainin man ng mga pusa ang mga mata ko.
    .-= Jon Cabron´s last blog ..pareng miguel =-.

    Reply to this comment
  4. M | July 28th, 2010 at 9:07 am

    Basta ako sa mukha muna bago sa legs. Or, sige na nga, sa legs na din agad.

    At may blind item pa! Grabe, sino bang magtatangkang ipikap yang kutis-pagong na yan? Tigang na tigang na siguro yung “customer” niya kaya ganun.

    Reply to this comment
  5. Gugol | July 28th, 2010 at 7:16 pm

    Legs?

    Ako sa boobs tumitingin. Hindi dahil gusto ko. Pero nagkukusa mga mata ko. Tapos mahuhuli ko na lang sarili ko na nakatitig. Kahit na wala namang kalaswaan ang tumatakbo sa isip ko.

    Siguro intrinsic na hilig lang ako sa mauumbok na bagay. Hula ko lang naman.
    .-= Gugol´s last blog ..Lasheng! =-.

    Reply to this comment
  6. Laarni | July 29th, 2010 at 10:20 pm

    Men’s nature po yun.

    Reply to this comment
  7. callcenterguy | August 1st, 2010 at 5:40 am

    Sana maka sabay kita sa Jeep minsan. Promise, di ko titignan legs mo. 😉
    .-= callcenterguy´s last blog ..Put up or Shut up! =-.

    Reply to this comment
  8. melvin | August 5th, 2010 at 2:49 pm

    na hypertension si doc :-)

    Reply to this comment
  9. Ex Jason | August 10th, 2010 at 10:44 am

    Alam mo naman sigurong naaattract ang mga lalake sa makikinis na babae diba? Dapat yata handa ka na dun sa twing magsusuot ka na maikli. Siyempre, kung kaaya-ayang tingnan, titingnan talaga.

    Ngayon, sa tanong mo na bakit naattract sila sa makinis na legs, yun ang mahirap ipaliwanag. Sa paraang mahirap ding ipaliwanag kung bakit naaattract ang mga babae sa malalaking braso kahit na lahat naman ng tao eh may braso.
    .-= Ex Jason´s last blog ..Trying To Get Tested =-.

    Reply to this comment
  10. iknowuudontknowme | August 27th, 2010 at 4:47 pm

    baka naman sa sugat mo nakatingin… i think better be thankful na worth looking at ang legs mo unless mala-manyak na ang tingin, run! ganun lang talaga, norms, guy-thing, you know what i’m saying??? :)

    Reply to this comment

Leave a Comment

space