space

Pep Talk

 

Siguro we were genetically programmed to desire the things that we don’t have; mapa-bagay man yan, luho sa katawan, talento o parte ng buhay natin. Nandiyan yung mataba na gustong pumayat, yung payat na gustong tumaba, maputi na gustong umitim, maitim na nagglutathione para pumuti, in a relationship na gustong maging single, single na gustong maging double, mahirap na gustong yumaman at mayaman na gustong… mas yumaman. 😀

“Contentment” – yan ang turo sa amin noong elementarya ako ng mga madre. Pero iba ang paniniwala ko. Discontent drives us to desire for more and allows us to grow. Hindi rin naman masama ang hindi masatisfy sa kung ano ang meron tayo unlike what we were told when we were younger. Siguro ang masama ay yung maghangad ng bagay na may matatapakan kang iba. Pero desire? Nothing is too bad about it, is there?

Alam niyo naman siguro ang gusto ko. :) Ikaw? Ano ang sa iyo?

 

Reader's Comments

  1. Jakey Junkie | July 27th, 2010 at 9:58 pm

    Good point.

    Medyo marami akong gusto sa buhay. May mga materyal na bagay, may mga pam-personal na bagay.

    Sa ngayon, siguro gusto kong maging successful sa career ko sa buhay. At sa “pangangarir” ko. 😀
    .-= Jakey Junkie´s last blog ..Wala Na Tulog Na =-.

    Reply to this comment
  2. callcenterguy | August 1st, 2010 at 5:43 am

    Kapayapaan! (eto ang gusto ko!) Katarungan! (eto ang gusto ko!)
    .-= callcenterguy´s last blog ..Put up or Shut up! =-.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space