space

X-Linked

02 Jan 2011 Featured, isyu
 

Double-edged sword yung pagiging magkarelasyon ng dalawang taong matalik na magkaibigan. Una, it can lead to a happy ever-after. O kung mamalasin naman, it can destroy a good friendship forever. Tapos kumbaga sa sakit, poorer prognosis kapag iisa lang ang circle of friends niyo. Kapag naghiwalay kayong dalawa, pwedeng hindi na muli makumpleto yung barkada kapag nagkayayaan lumakad o mag-inuman o kaya magkaroon na ng awkward moments kapag nasa iisang lugar naman kayo. Worst case scenario yung best friends kayo, iisa lang yung barkada niyo tapos naghiwalay kayo ng magulo at may sakitang involved (re: third party). Parang kahit na gaano katagal na yung lumipas mula ng maghiwalay kayo at kahit na gaano karami ng exes ang dumaan sa mga buhay niyo, iba pa rin yung simoy ng hangin tuwing magkikita kayo… o tuwing magdidikit yung mga dulo ng buhok ninyo. Hindi mo man sadya, magbabago’t-magbabago yung kilos mo na parang parating may dalawang matang nakatutok sa bawat pilantik ng daliri mo at may pares ng tengang nakikinig sa bawat hinga mo. Tapos idagdag mo pa yung mga panunukso ng mga kaibigan niyo bawat tatlumpung-minuto na lalong nagpapalala ng sitwasyon.

Kaya ikaw lalake, pag-isipan mo ng higit sa dalawa o tatlong beses kung liligawan mo yang magandang best friend mo. Hindi dahil mahirap makipagrelasyon sa isang matalik na kaibigan, pero dahil mahirap kung maghihiwalay at magkakasiraan ng samahan.

Reality check.

Love,
The Bubble Burster

—————————————–
“X marks the spot” – Image copyrighted by cord-40.

Tags: , ,

 

Reader's Comments

  1. Jakey Junkie The Bunny | January 3rd, 2011 at 5:05 pm

    I say, it is really indeed a very risky and tall order to delve into a deeper, more intimate level of relationship.

    Heart and mind should both work in this situation, not just one. Naalala ko tuloy nu’ng ako ‘yung naging “bridge” ng dalawa kong barkada na nagkaroon nga ng relationship. They broke up. Eventually, after some time e naging cool na rin naman sila.

    Reply to this comment
  2. callcenterguy | January 4th, 2011 at 5:14 am

    Nicely said. I agree with you. But iba talaga pag naging kayo ng best friend mo. kasi kilala nyo na isa’t-isa e. Teka….ikaw ba yung gusto ligawan?
    .-= callcenterguy´s last blog ..Happy New Year!!!!! =-.

    Reply to this comment
  3. oddball didai | July 7th, 2011 at 7:12 pm

    ive been this road before. and i cant agree more, months later kasi, it still feels like a pirated blairwitch dvd. ang gulo pa din and sakit sa ulo!!!

    tama ang warning. buti pa mga gamot may adverse reactions and toxicity na warning db? sana ang frendship meron din.

    WARNING: bestfrends may have adverse reactions and unhappy endings when consumed with love. never mix with romance.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space