space

Pessimism

 

Dumating na yung araw ng paghuhusga. Hindi sa akin, kung hindi sa mga kaibigan kong noo’y pinapangarap lang yung mailap na M.D. at lisensyang kasama nito. Parang pots of gold at the end of the rainbow. Isa na silang ganap na duktor sa wakas!

Sa totoo lang, naiinggit ako dahil tapos na sila samantalang ako, magsisimula palang sa ika-2 ng Abril ang araw ng semi-paghuhusga. Kung bakit ba kasi hindi ko alam na may comprehensive churva pang nalalaman ang St. Luke’s. Kung bakit ba kasi nagpakaduwag ako na lumipat ng paaralan nung nag-mass exodus yung mga kaklase ko. Eh di dapat hindi ko iniintindi yung araw ng semi-paghuhusga na yan.

Bakit kanyo semi? Eh kasi, yang comprehensive exam na yan, iyan ang magdidikta ng takbo ng buhay ko mula Mayo hanggang habambuhay. Tuwing tinatanong nila ako kung anong plano ko, wala akong maisagot dahil sa totoo lang, hanggang Abril lang ang nakikita kong hangganan ng buhay ko. It all gets blurry from there. Para akong nasa fork in the road. Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng buhay ko. Kung wala nga yung planong pag-Pa-Palawan namin ni Bee sa Mayo, wala akong nakikitang event sa buhay ko pagpasok ng Mayo. Ang hirap pala ng ganito. Yung walang kasiguruhan.

Tinatanong na nga nila ako kung kailan ang graduation ko. Simpleng tanong pero hindi ko masagot. At kung mabibigyan ako siguro ng pagkakataon para masilip ang sagot, baka hindi ko rin patulan. Paano kung malalaman kong madedelay pala ako dahil sa lintik na compre na yan? Hanggang saan nga kaya kaya ng diwa ko ang salitang “pagkatalo”?

Oo na. Ang pessimistic ko talaga.

 

Reader's Comments

  1. Tagabasang nasa Pinas (na) | February 27th, 2011 at 10:20 pm

    Relax.

    You haven’t failed. Yet. And if you do? Who cares?

    Never compare. So what kung MD na sila? MD ka rin naman sooner or later. Never a big deal.

    You’re bigger than all frustrations in the human race combined.

    Alang kwenta yang summer escapades. Lilipas din yan. Di pa naman end of the world.

    Tiis tiis lang. After you became an MD, gimik ka kahit hindi summer. Sino me sabi na summer lang pwede gumimik?

    Relax.

    Reply to this comment
  2. Jakey Junkie the Bunny | February 28th, 2011 at 6:31 pm

    ‘Wag naman sana ‘yan ang maging worse case scenario ng quarterlife crisis. Manalig ka, aking kaibigan.

    Reply to this comment
  3. Dennis | March 2nd, 2011 at 6:26 am

    Wag naman. dapat positive thinking. Kaya mo yan. Ikaw pa!

    Reply to this comment
  4. Mia | March 3rd, 2011 at 9:22 am

    Kayang kaya mo yan doc mnel! Ikaw pa. Goodluck doc! mwah! Miss you!

    Reply to this comment
  5. Call Center Guy | March 26th, 2011 at 9:50 am

    Commercial po muna. Pa update po ng link. My blog po can now be found at http://twentyfoursevenonline.info/

    May nag sponsor e.

    Salamat po.

    Reply to this comment

Leave a Comment

space