space

Saan Ka Ba Patungo?

 

Naaalala ko noong unang beses na nalaman kong pumasa ako ng medical boards, excited akong ipinamalita sa lahat na isa na akong ganap na duktor. Habang abala ang lahat sa pag-congratulate sa akin at ako, sa mistulang cloud nine na bumalot sa mundo ko, isang tao ang walang-awang winasak ang kasiyahang nadarama ko.

“Congrats! Ngayon, ano na ang plano mo?”

Sa iyong nagbabasa nito, please lang. Kung meron kang kaibigan/kamag-anak/kakilala na kapapasa lang ng kahit ano pang boards, huwag na huwag… i repeat… HUWAG NA HUWAG MO SIYANG TATANUNGIN NG IMMEDIATE PLANS NIYA. Walang basagan ng kasiyahan please lang. Lalong-lalo na sa panahong ito na mahirap kumuha ng trabaho. Yung tipong kahit board topnotcher ka na sa nursing eh hindi ka pa rin makakuha ng trabahong pang-nurse. Bigyan ang naturang board passer ng ilang araw para namnamin ang nag-uumapaw niyang kaligayahan bago siya ibabang muli sa lupa at ipamukhang LICENSED AND UNEMPLOYED siya.

Sa simula, nakakapagpanting ng tainga, pero may punto naman kasi siya. Ano na nga ba ang plano ko? Sa totoo lang, kaya ako nagalit kasi, wala akong plano. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin… o gusto kong gawin at least. Magresidency? Magmoonlight? Tsaka ko lang napagtanto na hanggang pagkuha lang ng lisensiya pala ang nasa game plan ko. Kung ano man ang gagawin ko pagkatapos… wala… wala akong ka-ide-ideya.

Noong bata ako, mayroon akong nabiling libro na pinamagatang “Choose Your Own Adventure”. Isa siyang serye ng nakakatakot na librong pambata kung saan sa bawat galaw mo ay dalawa ang pwede mong maging katapusan: kamatayan o makalabas ng buhay. Naaalala ko kung ilang ulit kong binasa yung libro para pumili ng ibang patutunguhan at malaman ang kahihinatnan. At kahit hindi ako fan ng thriller stories, nag-enjoy akong basahin ang libro at balikan ang mga “maling desisyong” nagawa ko sa libro na nagdulot ng aking kamatayan.

Pakiramdam ko ngayon, ako yung bida sa librong pambatang binabasa ko noon. Kung saan bawat galaw ko ay sanga-sangang desisyon at outcome ang pwedeng mangyari. Ang kaibahan nga lang… sa laro ng buhay, hindi ka pwedeng bumalik sa Page 1.

Tags:

 

Reader's Comments

  1. The Gasoline Dude | September 15th, 2011 at 9:45 am

    Enjoy the moment! Pwedeng magpa-checkup ng libre? Juk.

    Reply to this comment
  2. apollo | September 15th, 2011 at 11:06 am

    no need to hurry my dear. we have a lifetime to think about our plans. 😀

    Reply to this comment
  3. lei | September 25th, 2011 at 3:22 am

    ayoko din pag eto ang usapan di ko rin alam kung saan ba dapat pupunta. year of the sheep pa man din kc ako.. para daw tupa na kaylangan may papastor. lol

    Reply to this comment
  4. Malayo na uli | September 28th, 2011 at 11:16 pm

    Makabuluhan.

    Ikaw ang makakasagot nyan. Trial and error. Pero ‘wag kalimutan — have fun. Kelangan masaya ka sa kahit anong landas na pipiliin.

    Isa pang tip. Pag tumatanda ang tao, wala nang nagpapayo sa kanya. Hingi ka pa rin ng payo sa magulang (in fact, mas kailangan mo ito ngayon) at wag kalimutan ang payo ng nakaraan.

    Pahinga ka muna nang pinakamatagal na kaya mo. Mas lumalabas ang plano pag relax ang isip.

    Hangad ko pa rin ang patuloy mong tagumpay.

    Reply to this comment
  5. Tangerine | October 2nd, 2011 at 1:36 pm

    Salamat sa pagpapaala tungkol sa pagtatanong ng plano. Next time ‘di na ako magtatanong. :) ‘Di rin talaga ganun kadali kung saan at kung ano na ang gagawin. Ngunit ang lahat ng sagot sa iyong isipan ay darating ‘rin. Mas mainam nga kung walang mga nangungulit. :))

    Labis ako nagagayak sa iyong tagumpay.

    Reply to this comment
  6. ♥ hana banana ♥ | December 9th, 2011 at 12:03 pm

    congrats sa’yo!

    napadaan lang po here 😉

    Reply to this comment

Leave a Comment

space