space

Nagbabalik

 

Eh yung bigla siyang gumana?

Suntok sa buwan yung ginawa kong pagsubok na ayusing muli ang napabayaan ko ng blog. Kung hindi niyo kasi alam, hindi ako makapasok sa admin area nitong blog na ito kaya hindi ako makapagsulat kahit kating-kati na ako. Idagdag mo pa diyan yung libu-libong spam comments na kinailangan kong linisin habang nag-bu-busy-busyhan sa residency training sa pinakamalaking ospital pampubliko ng Pilipinas. Kung hindi ka nga naman masiraan ng bait ay ayawan na yan. Maraming beses na rin akong halos mahikayat ng mga kaibigan at ka-blog na lumipat ng tumblr. Kaya lang ng makita ko ang estado ngayon ng tumblr ayon na rin sa mga mata ni Jon Cabron, parang ayaw ko na yata at baka madumihan lang ang naglilinis-linisan kong utak. 😛

Hindi ko alam kung paano ako sisimulan ang kauna-unahang entry ko dito sa loob ng isang taon at apat na buwan. Para kasi akong nabunutan ng tinik kahit spareribs naman ang ulam ko kanina. Siguro, hindi ko na lang sisimulan. Tapusin na lang natin ng ganito. :-)

Welcome back to me!

Still Alive and Kickin’

02 Feb 2012 Uncategorized
 

Hello. Buhay pa naman ako. Just saying. =)

Saan Ka Ba Patungo?

 

Naaalala ko noong unang beses na nalaman kong pumasa ako ng medical boards, excited akong ipinamalita sa lahat na isa na akong ganap na duktor. Habang abala ang lahat sa pag-congratulate sa akin at ako, sa mistulang cloud nine na bumalot sa mundo ko, isang tao ang walang-awang winasak ang kasiyahang nadarama ko.

“Congrats! Ngayon, ano na ang plano mo?”

Sa iyong nagbabasa nito, please lang. Kung meron kang kaibigan/kamag-anak/kakilala na kapapasa lang ng kahit ano pang boards, huwag na huwag… i repeat… HUWAG NA HUWAG MO SIYANG TATANUNGIN NG IMMEDIATE PLANS NIYA. Walang basagan ng kasiyahan please lang. Lalong-lalo na sa panahong ito na mahirap kumuha ng trabaho. Yung tipong kahit board topnotcher ka na sa nursing eh hindi ka pa rin makakuha ng trabahong pang-nurse. Bigyan ang naturang board passer ng ilang araw para namnamin ang nag-uumapaw niyang kaligayahan bago siya ibabang muli sa lupa at ipamukhang LICENSED AND UNEMPLOYED siya.

Sa simula, nakakapagpanting ng tainga, pero may punto naman kasi siya. Ano na nga ba ang plano ko? Sa totoo lang, kaya ako nagalit kasi, wala akong plano. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin… o gusto kong gawin at least. Magresidency? Magmoonlight? Tsaka ko lang napagtanto na hanggang pagkuha lang ng lisensiya pala ang nasa game plan ko. Kung ano man ang gagawin ko pagkatapos… wala… wala akong ka-ide-ideya.

Noong bata ako, mayroon akong nabiling libro na pinamagatang “Choose Your Own Adventure”. Isa siyang serye ng nakakatakot na librong pambata kung saan sa bawat galaw mo ay dalawa ang pwede mong maging katapusan: kamatayan o makalabas ng buhay. Naaalala ko kung ilang ulit kong binasa yung libro para pumili ng ibang patutunguhan at malaman ang kahihinatnan. At kahit hindi ako fan ng thriller stories, nag-enjoy akong basahin ang libro at balikan ang mga “maling desisyong” nagawa ko sa libro na nagdulot ng aking kamatayan.

Pakiramdam ko ngayon, ako yung bida sa librong pambatang binabasa ko noon. Kung saan bawat galaw ko ay sanga-sangang desisyon at outcome ang pwedeng mangyari. Ang kaibahan nga lang… sa laro ng buhay, hindi ka pwedeng bumalik sa Page 1.

Tags:

Ang Paglalakbay ng Isang Doctor-to-be
Doctor-na-me!

 

Naniniwala ako na na-brainwash lang akong maging duktor. Ako yung bunga ng maya’t-mayang pagtatanong ng mga magulang, kamag-anak, kakilala at kaibigan ng tanong na “Anong gusto mo maging paglaki mo?” – Little Miss Philippines-style. At dahil sa murang edad, suma-total na anim na propesyon lang ang alam ng isang batang babae: duktor, abogado, nars, engineer, stewardess at guro – in no particular order. Hindi ko natatandaang ni minsa’y sumagot ako ng “Nutritionist/Dietician” o ng “Software Developer” sa mga nagtatanong sa akin noon. At dahil pinangarap kong maging sunod na Aiza Seguerra, ginagalingan ko ang pagsagot sa generik na follow-up question ng tanong na iyan:  “Para po makatulong sa mga mahihirap na may sakit.”

Noong kinder naman ako sa noo’y pribadong paaralan pa ng mga babae, bilang isang proyekto sa paaralan ay pinaguhit sa amin ang sagot sa katanunangang: “What do you want to be when you grow up?” At dahil devoid of any artistic visual talent ang lola ninyo, ninais ko na lang na maging pusa o aso paglaki dahil mas madali silang iguhit kesa sa duktor na may stethoscope at sphygmomanometer.

Sa pagtuntong ko ng hayskul, nagbago ang pangarap ko kasabay ng pagbabago ng ihip ng hangin: nangarap na maging Chemical Engineer (dahil malaki raw ang kita nila), Manunulat (dahil aktibo ako sa pahayagan ng aming paaralan) at Physicist (ito ang pinakamababaw: dahil magaling ako sa physics!) subalit anu’t-ano pa man, babalik ka rin daw sa kung ano ang naging simula ng landas na tinatahak mo. Sa apat na kolehiyong pinageksaminan ko, isang paaralan lang ang non-scientific na kursong kinuha ko (BA Audio-Visual Communications sa UP Diliman – 2nd choice campus ko… ang tapang di ba?), lahat mistulang carbon-copy ng isa’t isa: 1st choice – Biology; 2nd choice – kung anong iba pang medically-inclined course. At alam kong ang pagpasok ko sa larangan ng Biyolohiya ay ang point-of-no-return ng buhay ko. Ano namang gagawin ko kung hindi ako magmemedisina? Masyadong kaunti ang halaman namin sa bahay para magkaroon pa sila ng personal Botanist na mag-aalaga sa kanila. Kaya’t sampu ng aking mga kaklase, pumasok ako sa Medisina ng walang ideya kung anong klaseng hirap at buhay ang naghihintay sa kabilang ibayo.

Naaalala ko na bago palang akong nag-aaral ng Medisina noong magsimula ako ng mga serye ng artikulo sa Multiply. Aking binalikang muli ang pinakaunang lathalang nagawa ko matapos ang isang linggong pag-aaral:

After a week of being away and a week after med school officially started, I’m back to home sweet home. I missed everything here… my family, my room, my dogs, the huge TV set and most especially the “free” unlimited DSL to name a few. Never had I imagined that I’d appreciate the things that I once just took for granted all these years. Tama nga sila. Iba ang buhay mo pag wala ka na sa comforts ng bahay niyo. It is really sad pero wala naman akong choice di ba? It’s either I accept it or drop out from med school. As if naman gagawin ko yung latter di ba? Hehe. 

I just got my hands on a few books that I need for school. Medyo naexcite nga ako kasi narealize ko na eto na to. Totohanan na. Kumbaga, naka-focus na ko sa field na gusto ko talaga. Although Biology naman ako nung undergrad, iba rin kasi ang Biology sa Medicine. As if naman kasi na mageenjoy akong pag-aralan ang mga halaman! Pati nananahimik na puno eh talagang kailangan mo pakialaman no? Hehe. Wala lang. It’s just that, natuwa ako ‘coz I finally felt that adrenaline rush that’s been missing from my system since school started. Sabi na nga ba, libro lang ang magpapa-sink in sa akin ng thought na Med student na ako. 

Hihi. Nakakaexcite na nakakatakot. Wish me luck guys. Sana wag ako panghinaan ng loob sa susunod na limang taon

Mnel, June 18, 2006

Kanina ko pa tinitingnan yang huling pangungusap sa lumang entry na yan. Sa isip-isip ko, makailang-ulit ko kayang sinambit ang “panghihina ng loob” nitong nakaraang limang taon? Nagkaroon nga kami ng biruan ng mga kaibigan ko sa kolehiyo na ang maiisipang mag-quit, itatali kay Lady Med (para sa mga kaibigan kong nag-aaral sa UP) at ako naman ay itatali daw nila sa rebulto ni Atty. William Quasha.

“May resulta na sa PRC…”

Yan yung text na kanina ko pa hinihintay. Ngayon kasi ang araw ng paghuhusga, tatlong araw matapos ang Physician Licensure Exam. Tatlong araw akong hindi man lang nadampian ng sikat ng araw dahil tatlong araw din akong monitor lang ang kaharap. Sa bawat oras na lumilipas, nararamdaman kong paakyat ng paakyat sa lalamunan ko ang puso ko. Pero kanina, naramdaman kong biglang nasa loob na ng bibig ko yung bawat pagpintig nito. Ramdam ko ang kakaibangBt.

Hanggang… bigla akong napangiti.

Naniniwala ako na na-brainwash lang akong maging duktor. Ako yung bunga ng maya’t-mayang pagtatanong ng mga magulang, kamag-anak, kakilala at kaibigan ng tanong na “Anong gusto mo maging paglaki mo?” Hindi ko lubos na alam kung bakit duktor pa ang napili ko. Marahil sa murang edad at sa anim na propesyon lang na alam ng isang batang babaeng katulad ko, tanging duktor lang ang kinayang iguhit ng artistically-devoid na lola ninyo.

Sinubukan ko kasing gumuhit ng pusa. Ayun, napagalitan tuloy ako. :)

Tags: , , , , ,

space