space

May 22, 2011

 

Twenty-three school years and seven graduation rites after… FINALLY!

With my brother and my mom at the Batch 2011 Graduation Rites.

Ito na yata ang pinakamasaya at pinakainabangan kong graduation ceremony sa tanang buhay ko.

Marami akong dapat pasalamatan para sa araw na ito: ang mga magulang ko, mga kapatid, kamag-anak at mga kaibigan na naniwala na maabot ko ang araw na ito. Maraming salamat din kay Bee na siyang naging shock-absorber ko tuwing hindi ko na kaya at tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Maraming, maraming, maraming salamat! At siyempre kay Kuya Jess na naging sandalan ko sa tuwina. Maraming salamat at pinakinggan mo Kuya Jess yung dasal ko everyday… na sana kayanin ko ito… na sana pumasa ako sa compre at sana makuha ko yung diploma ko.

THIS IS IT!

What was before a dream, is now a reality! On to the boards! Let’s party!

Tags: , , ,

Looking for a place to stay within the St. Luke’s QC area?

 

WE PREFER INCOMING STUDENTS FROM ST. LUKE’S COLLEGE OF MEDICINE.

—————————————————————

Hi! Are you looking for a place to live near St. Luke’s QC? We’re looking for two female housemates/roommates since a couple of our housemates/roommates have moved out. It’s right across St. Luke’s Medical Center and in the same building as Fuji Film and UCPB. It’s a one bedroom unit but the bedroom area is spacious enough that four/five single beds can actually fit inside. One comfort room, small sala and a kitchenette. Fully-furnished. Just bring your own sofabed/bed/mattress. Strong and stable water supply. We only pay for the Meralco bill since the water is already included in the monthly rental of our unit. And oh, there’s an air conditioning unit inside the bedroom. :)

Monthly rental is 3,125 per person for quadruple sharing plus Meralco bill which we divide amongst ourselves (usually around 500-600 per person). Thanks!

Contact me for inquiries and details by leaving a comment in this blog entry (The comment section is moderated so feel free to leave your contact numbers).

 

 

Tags:

Pessimism

 

Dumating na yung araw ng paghuhusga. Hindi sa akin, kung hindi sa mga kaibigan kong noo’y pinapangarap lang yung mailap na M.D. at lisensyang kasama nito. Parang pots of gold at the end of the rainbow. Isa na silang ganap na duktor sa wakas!

Sa totoo lang, naiinggit ako dahil tapos na sila samantalang ako, magsisimula palang sa ika-2 ng Abril ang araw ng semi-paghuhusga. Kung bakit ba kasi hindi ko alam na may comprehensive churva pang nalalaman ang St. Luke’s. Kung bakit ba kasi nagpakaduwag ako na lumipat ng paaralan nung nag-mass exodus yung mga kaklase ko. Eh di dapat hindi ko iniintindi yung araw ng semi-paghuhusga na yan.

Bakit kanyo semi? Eh kasi, yang comprehensive exam na yan, iyan ang magdidikta ng takbo ng buhay ko mula Mayo hanggang habambuhay. Tuwing tinatanong nila ako kung anong plano ko, wala akong maisagot dahil sa totoo lang, hanggang Abril lang ang nakikita kong hangganan ng buhay ko. It all gets blurry from there. Para akong nasa fork in the road. Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng buhay ko. Kung wala nga yung planong pag-Pa-Palawan namin ni Bee sa Mayo, wala akong nakikitang event sa buhay ko pagpasok ng Mayo. Ang hirap pala ng ganito. Yung walang kasiguruhan.

Tinatanong na nga nila ako kung kailan ang graduation ko. Simpleng tanong pero hindi ko masagot. At kung mabibigyan ako siguro ng pagkakataon para masilip ang sagot, baka hindi ko rin patulan. Paano kung malalaman kong madedelay pala ako dahil sa lintik na compre na yan? Hanggang saan nga kaya kaya ng diwa ko ang salitang “pagkatalo”?

Oo na. Ang pessimistic ko talaga.

Alam mong masyado ka nang madalas nasa ospital kung…

 

…tuwing magriring ang telepono niyo sa bahay at ikaw ang nakasagot ay otomatiko mong sasabihing:

Thank you for calling (insert your current location here), this is Intern Tumangday, how may I help you?

…o kaya naman tuwing pupunta ka sa mall, bigla kang titigil sa paglalakad tuwing maririnig mo yung tunog ng paging system. 😐

Someone seriously needs a life. Any takers? 😛

Tags:

space